Pinoy boxers kasama ni Japanese champ Naoya Inoue sa paghahanda vs Donaire

0
63

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -October 23, 2019 | 8:23 AM

https://www.bomboradyo.com/pinoy-boxers-kasama-ni-japanese-champ-naoya-inoue-sa-paghahanda-vs-donaire/

Ilang kilalang boksingerong Pilipino ang ka-sparring ng Japanese star na si Naoya Inoue para sa kanyang paghahanda sa laban kontra kay Nonito Donaire Jr.

Ang binansagan bilang “The Monster” na si Inoue ay kasalukuyang nag-eensayo kasama sina “Prince” Albert Pagara at Genesis Servania.

Ang tubong Southern Leyte na si Pagara ay nasa bantamweight division samantalang si Servania na tubong Negros ay nasa featherweight.

Isang magandang paghahanda raw ito para kay Inoue upang mas mapag-aralan ang isang Pilipinong boksingero.

Sa kabilang banda, si Donaire naman ay nag-eensayo kasabay ng isang sikat na YouTuber na si KSI dahil sa paparating din nitong laban kontra sa kapwa vlogger na si Logan Paul sa Nobyembre 9.

Nakatakda naman magharap para sa World Boxing Super Series Bantamweight Finals sina Donaire at Inoue sa Nobyembre 7 na gaganapin sa Saitama Arena sa Japan.