Pagkapikon ni Pacman kay Thurman, dagdag inspirasyon para ito ay patumbahin sa July fight – Fortune

0
9

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -June 19, 2019 | 7:36 AM

https://www.bomboradyo.com/pagkapikon-ni-pacman-kay-thurman-dagdag-inspirasyon-para-ito-ay-patumbahin-sa-july-fight-fortune/

LOS ANGELES – Nagsimula na ang puspusang training ni Sen. Manny Pacquio sa Los Angeles.

Una nang napaulat na napikon daw ni Thurman ang pambansang kamao na bahagi ng kanyang todo ensayo ngayon ay sa Hills of Griffith Observatory.


Ayon sa strength and conditioning coach Justine Fortune nais tuloy daw ngayon ni Pacquiao na patumbahin sa itaas ng ring si Thurman dahil sa mga pasaring nito sa mga inteviews.

“Yeah, he said some pretty silly stuff. I don’t know why but it is what it is. Yeah, he pissed off Pacaquiao. We like it though because he pissed off Manny, it’s better for us. I haven’t seen him this upset for a long time. So he’s not happy, he really wants to knock Thurman out. He said it a couple times,” ani Fortune.

Ayon naman sa tita ni Pacman na si Lilia Pretty Lao na nasa Los Angeles, gigil na gigil umano ang kanyang pamangkin kaya seryoso itong ma-KO si Thurman sa laban sa kanilang paghaharap.

Bago ito maraming beses na rin na minaliit lamang ni Thurman ang Pinoy champ na mas lalo umanong magpapatindi sa laban nila na gaganapin sa MGM Grand, Nevada, Las Vegas sa July 20, 2019.

Dagdag pa ni Fortune, “masyado umaong mabilis si Pacman at malakas para matalo ni Thurman. “If he wants to win this fight, he has to try to box him.”

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here