Stephen Curry balik hardcourt na sa laro ng Warriors vs Raptors

0
110


By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -March 6, 2020 | 6:35 AM

https://www.bomboradyo.com/curry-maglalaro-na-laban-sa-raptors/

Matapos ang 58 games makikita na muli ang number 30 sa Golden State Warriors matapos ianunsiyo na babalik na si Stephen Curry makaraan ang kanyang hand injury.

Sa pagbubukas ng Marso ang inisyal na pagbabalik ng two-time league MVP ngunit ito ay naudlot kung kaya’t nitong araw na lamang babalik ng hardcourt si Curry sa laro ng Warriors kontra sa defending champion Toronto Raptors na tumalo sa kanila noong 2019 NBA Finals.

Bagama’t laglag na para sa playoffs ang Warriors ay pinili pa rin ni Curry na laruin ang mga natitirang laban ng koponan.

Inaasahan na babalik na ang pangil ng Warriors sa next season kasabay sa pagbabalik din ni Klay Thompson.

Magiging katuwang ni Curry ang bigatin din na bagong recruit na si Andrew Wiggins.

Noon pa sanang Marso 1 ito naglaro subalit kinailangan muna ng dating Most Valuable Player ng konting panahon bago ang tuluyang pagsabak sa laro.

Magugunitang nagtamo ng injury sa kaniyang kaliwang kamay si Curry sa laban nila ng Phoenix Suns noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan ay mayroong 14 panalo at 48 na pagkatalo ang Warriors na siyang may pinakamasamang record sa NBA.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here