Philadelphia nangibabaw kontra Oklahoma City, 120-113

0
79

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -January 7, 2020 | 12:55 PM

https://www.bomboradyo.com/philadelphia-nangibabaw-kontra-oklahoma-city-120-113/

Dinomina ng Philadelphia Sixers starters ang kanilang laban kontra sa Oklahoma City Thunder para kunin ang 120-113 na panalo sa Wells Fargo Center.

Naging kalat ang pinagmulan ng puntos ng Sixers na pinangunahan ni Josh Richardson na may 23 puntos samantalang tig-18 puntos naman sina Joel Embiid at Tobias Harris.


Muntik namang mag-triple-double si Ben Simmons na may 17 puntos, 15 rebounds at walong assists.

May 13 puntos naman si Al Horford.

Bagama’t lumaban din ang starters ng Thunder, mas nagpakita ng pulidong opensa ang Sixers na nagtala ng 31 assists kontra sa 17 lamang ng kalaban.

Pumalag hanggang sa dulo ang dayuhang koponan ngunit ang corner three-pointer ni Harris sa nalalabing oras ang nagsilbing dagger sa laban.

Nananatiling pangatlo sa Atlantic Division ang Sixers na may record na 24-14 samantalang 20-16 naman na ang Oklahoma City.

Sunod na lalaban ng Sixers ang karibal nito sa Eastern Conference na Boston Celtics sa Huwebes (PH time).