‘Die young and be immortalized’

0
77

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -January 30, 2020 | 8:08 AM

https://www.bomboradyo.com/die-young-and-be-immortalized/

Maluha-luhang nakwento ni dating NBA superstar Tracy McGrady ang kanilang pagkakaibigan ni Kobe Bryant.

Kasabay nito ang kanyang tuloy-tuloy na papuri sa tinaguriang Black Mamba.


Sa Interview ng ESPN ani McGrady, bata pa lang sila ay madalas daw siyang nasa bahay ni Bryant at nanonood sila ng mga “Kung-Fu” movies, pati na rin ang mga highlights ni Michael Jordan na siya namang ginagaya ni Bryant.

“Die young and be immortalized” ito raw ang mga madalas sabihin ni Kobe kay McGrady noon.

Dagdag pa nito gusto pa raw nitong mahigitan si MmJordan at makilala ng buong mundo at mag-iwan ng marka sa mundo ng basketbol.

Inalala rin ni McGrady ang anak ni Bryant na si Gianna, sapagkat ang magkaibigan ay parehas nagco-coach sa kanilang mga anak.

Nakikita raw ni McGrady si Kobe kay Gianna, at namana pa raw nito ang “Mamba mentality” ni Bryant hindi lang sa loob ng court pati na rin sa totoong buhay.

Sapagkat magkaibigan palang nang sila’y mga binata pa, naunang ma-draft si Kobe  sa NBA ng Charlotte Hornets at ‘di kalunan ay nalipat ito sa LA Lakers.

Samantalang si McGrady naman ay na-draft noong 1997 sa Toronto Raptors at nagretiro ito noong 2013 sa San Antonio Spurs.