Garcia o Spence? Pacquiao kailangan nang mamili

0
390

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -March 6, 2020 | 5:45 PM

https://www.bomboradyo.com/garcia-o-spence-pacquiao-kailangang-mamili-na/

Kung nais bumalik sa ibabaw ng ring ang fighting senator ng Pilipinas na si Manny Pacquiao ngayong Hulyo, ay kailangan na niyang mamili nang susunod na makakalaban.
Sa kasalukuyan, sina Mikey Garcia at Errol Spence Jr., ang natitira sa unahang listahan ni Pacquiao. Ngunit sino ba ang mas makakatotohanan na laban sa dalawa?
Simple lamang ang sagot, si Mikey Garcia. Ito ay sa kadahilanang hindi pa maaaring lumaban si Spence Jr., dahil nagpapagaling pa ito mula sa solo-car accident noong Oktubre.
Ibig sabihin lamang nito ay si Garcia na lamang ang natitirang posibleng kalabanin ng nag-iisang eight-division world champion ng boxing.
Kung sakaling matuloy ay nais naman itong ganapin ng promoter ni Garcia na si Eddie Hearn sa Saudi Arabia.
Naging matagumpay ang huling boxing event na ginanap dito kung saan nagharap sina heavyweights Anthony Joshua at Andy Ruiz sa ikalawang pagkakataon.
Palaisipan pa rin sa marami kung bakit ayaw pa magdesisyon ng kampo ni Pacquiao sapagkat apat na buwan na lamang bago tumuntong ang buwan ng Hulyo.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here