Stephen Curry balik hardcourt na

0
208

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -March 6, 2020 | 6:35 AM

https://www.bomboradyo.com/curry-maglalaro-na-laban-sa-raptors/

Matapos ang 58 laro ay makikita na muli ang numero 30 sa Golden State Warriors matapos ianunsiyo na babalik na si Stephen Curry matapos ang kanyang hand injury.

Sa pagbubukas ng Marso ang inisyal na pagbabalik ng two-time league MVP ngunit ito’y naudlot, kung kaya’t bukas, ika-anim ng Marso (Ph time) ay balik hardcourt na si Curry kontra sa defending champion Toronto Raptors na tumalo sa kanila noong 2019 NBA Finals.

Bagama’t laglag na para sa playoffs ang Warriors ay pinili pa rin ni Curry na laruin ang mga natitirang laban ng koponan.

Inaasahan naman na babalik na ang pangil ng Warriors next season sa pagbabalik ni Klay Thompson katuwang si Curry at ang bagong recruit na si Andrew Wiggins.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here