Freddie Roach pinayuhan si Wilder ukol sa ninanais na trilogy kontra Fury

0
201

Nagbigay ng mensahe ang living legend trainer na si Freddie Roach kay heavyweight boxer Deontay Wilder ukol sa pagdedesisyon nito para harapin muli si Tyson Fury sa ikatlong pagkakataon.

“I’d like to see him go get a warm-up fight, get a good win under his belt and get his right hand back in action, that’s my opinion,’ ani Roach sa interview nito sa Fino Boxing.

Nakuha ni Wilder ang kanyang unang talo matapos dominahin ni Fury sa kanilang rematch. Itinigil ang laban sa ika-pitong round para maagaw ni Fury ang WBC heavyweight belt mula kay Wilder.

Mayroong 30 araw si Wilder para magdesisyon kung nais nito ng rematch ngunit tila hindi na niya kailangan ang buong 30 araw matapos magpahiwatig na nais niya ng ikatlong laban kay Fury na magaganap ngayong summer.

Bagama’t malabong sundin ni Wilder ang sinabi ni Roach ay ipinanalangin na lamang nito na sana’y panigan siya ng swerte sa muling paglaban kay Fury.