Wilder, Fury II tuloy na tuloy na

0
216

Tuloy na tuloy na ang pangalawang bakbakan nina Deontay Wilder at Tyson Fury matapos ang matagumpay na weigh-in.
Dedepensahan ni Wilder ang kanyang WBC belt sa ika-11 na pagkakataon samantalang ilalapag din ni Fury ang kanyang lineal heavyweight title para sa inaabangang rematch na gaganapin sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.


Tumimbang ng 231 pounds si ‘Bronze Boomer’ Wilder samantalang mas mabigat naman si Fury na umabot sa 273 pounds. Bagama’t magkalayo ang agwat sa timbang ay kasado na ang laban sapagkat walang limit ang timbang sa heavyweight division.
Parehas walang talo ang dalawang kampyeon. May 43 panalo si Wilder kabilang ang 42 na knockouts at isang draw samantalang may 20 knockouts si Fury sa loob ng 29 panalo at isa ring draw.
Maanghang at mainit ang ikalawang paghaharap ng dalawa simula nang nag-faceoff para sa kanilang final press conference na nagpatuloy hanggang sa weigh-in.