Santisima handa na sa pinakamabigat na laban kontra Navarrete

0
291

Dehado man sa kahit anong perspektibo, buo at handa si Jeo Santisima sa isang upset kontra kay WBO World Super Bantamweight champion Emmanuel Navarrete.
Sumakto sa limit na 122 pounds si Santisima sa kanyang weigh-in gayundin ang Meksikanong si Navarrete.
Tinuturing na pinaka-aktibong kampyeon si Navarrete na nagkaroon ng apat na laban noong 2019 kabilang ang pagpapatumba sa isa ring Filipino boxer na si Juan Miguel Elorde. May record ito na 30 panalo kabilang ang 26 knockouts at isang talo.


Sa kabilang banda, ang underdog na si Santisima ay may 19 panalo, 16 na knockouts at dalawang talo. Ito ang unang title match ni Santisima at unang laban sa labas ng Pilipinas. May kasalukuyan din itong 17 sunod na panalo.
Bagama’t nasa ika-apat na pwesto sa ranking ng bantamweight dehado si Santisima kontra kay Navarrete, 50-1.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here