Santisima bigong agawin ang WBO Super Batamweight belt kay Navarrete

0
234

Hindi pinalad ang Filipino boxer na si Jeo Santisima sa kanyang laban kontra sa kampyeon na si Emmanuel Navarrete matapos matalo sa isang 11th round technical knockout sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Nagpaulan ng mga combination ang Meksikanong si Navarrete na kumonekta sa mukha ni Santisima rason para tuluyang itigil ng referee ang laban.
Si Santisima ang ikalawang Filipinong nabiktima ni Navarrete matapos maunang talunin si Juan Miguel Elorde noong 2019.


Umakyat ang kartada ni Navarrete sa 31 panalo, 27 knockouts at isang talo samantalang natigil ang 16 na sunod na panalo ni Santisima sa kanyang unang laban sa US at may hawak na 19 panalo, 16 knockouts at tatlong talo.
Dinomina ni Navarrete ang buong laban kahit inaming nasaktan ang kanyang kanang hinlalaki mula sa isang akward na suntok na kaniyang binitaw.
Ito na ang ika-limang matagumpay na pagtatangggol ni Navarrete sa kanyang 122-pounds na titulo.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here