Fury pinataob si Wilder para kunin ang WBC belt

0
71

Dinomina ni Tyson ‘Gypsy King’ Fury si Deontay ‘Bronze Boomer’ sa kanilang rematch matapos ang isang seventh-round stoppage para kunin ang WBC heavyweight title sa loob ng MGM Grand Arena.
Dalawang beses pinatumba ni Fury si Wilder, sa third at fifth round, bago tuluyang ibato ng kampo ni Wilder ang towel sa ika-pitong round.
Maagang pumutok ang labi ni Wilder mula sa mga jab ni Fury bago tuluyang mayanig sa third round matapos ang isang right hook na nagpadugo sa tenga ni Wilder.
Bagama’t nakabangon si Wilder ay hindi naging maayos ang tayo nito. Makailang beses pa itong nadulas bago tuluyang matumba ulit sa fifth round gamit ang isang body punch ni Fury.
Nananatili namang walang talo si Fury na may 30 panalo, 21 knockouts at isang draw samantalang ibinigay nito ang kauna-unahang talo ni Deontay Wilder na ngayon ay may 42 panalo, 41 knockouts, isang talo at isang draw.
Natuldukan na rin ng pagkapanalo ni Fury ang kontrobersyal nilang draw noong 2018.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here