‘Paano kaya kung naglaro sa NBA Finals sina Durant at Thompson?’

0
103

BACOLOD CITY – Pinatunayan umano ng Toronto Raptors na may pagkakataon ang ibang teams sa NBA na makakuha ng championship matapos na tinalo ang defending champion na Golden State Warriors sa Game 6 ng kanilang finals series kahapon sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Ngunit sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Atty. Ed Tolentino, maraming tanong sa katatapos lang na NBA Finals.

Isa na rito ang tanong kung ano sana ang nangyari kung hindi na-injure at nakalaro sa buong finals ang Warriors superstar na si Kevin Durant at hindi na dumagdag pa si Klay Thompson kahapon.

Para kay Tolentino, mas magandang bersiyon sana ng finals ang nasaksihan ng fans kung walang injuries ang mga players.

Ngunit nanindigan si Tolentino na hindi rin naman dapat kunin sa Raptors ang kanilang sakripisyo at pagtrabaho ng husto sa kanilang depensa na naging panangga sa defending champion na naghahabol ng three-peat.


Binigyang-diin din pa ni Tolentino ang pagkakaroon ng Raptors ng pulidong lider sa katauhan ni Kawhi Leonard na kinilalang finals Most Valuable Player (MVP).

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here