Official ‘Super Fan’ ng Raptors gumastos ng P15.6-M para lamang sa tickets

0
91

ORACLE ARENA – Umubos ng katumbas na P15.6 milyon ang isang negosyante sa Canada na tinaguriang “Super Fan” ng Toronto para ipamigay noong Game 6.

Nagsimula ang negosyante na mag-engganyong manood noong taong 1995 ngunit dalawang tickets lamang ang kaya nya bilhin noon.

“Now I have 10 seats — I have six courtsides and four platinum seats and once a year I buy thousands of kids tickets to the game,” ani ni Nav Bhatia kay Star FM/Bombo Radyo NBA correspondent Ponciano Melo Jr.

Isang multi-millionaire si Bhatia sa Canada na may mga negosyo at mga charity works.

Kitang-kita umano sa Arena kung gaano kalapit ang naturang negosyante sa mga NBA superstars gaya nila Vince Carter, Kawhi Leonard at iba pang sikat na NBA players.

Kapansin-pansin din ang mga posters nito sa labas ng Scotiabank Arena noong Game 4.

Nang makasama ng Bombo Radyo correspondent si Bhatia sa loob ng Arena ay nasakihan dito kung gaano ito kalapit sa Raptors.

Samantala nagdiriwang pa rin ang Toronto Raptors sa unang NBA title nito at hinirang na MVP naman si Leonard sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan.

raptors fans celebrate shiek
Toronto raptors fans celebrate after Game 4 win (photo from @Raptors)

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here