Davis, makkapaglaro na kontra Warriors matapos ang paggaling ng injury

0
106

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr

https://www.bomboradyo.com/davis-makakapaglaro-na-kontra-warriors-matapos-ang-paggaling-ng-injury/

Masayang ibinalita ng Los Angeles Lakers ang pagbabalik ng kanilang superstar na si Anthony Davis.

Ito ay matapos na ma-clear na ang 26-anyos sa kaniyang thumb-injury.

Dahil sa nasabing development ay lumakas pa ang tsansa ng Lakers na mamamayani pa sa ilang larong natitira sa pre-season opener ng NBA.

Magugunitang natamo nito ang right thumb sprain injury sa laban nila kontra Brooklyn Nets na ginanap sa China.

Malaki na rin ang posibilidad na makakapaglaro na si Davis sa paghaharap nila ng Golden State Warriors sa araw ng Sabado.

May dalawang panalo at isang talo na ang Lakers sa NBA preseason 2019.

Sa susunod na linggo ay magbubukas na ang bagong season ng NBA.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here