40-pts ni Harden nasayang nang taluni ng Spurs ang Rockers, 128-114

0
103

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr

https://www.bomboradyo.com/40-points-ni-harden-nasayang-ng-talunin-ng-spurs-ang-rockets-128-114/

Hindi umubra ang nagawang 40-points ni James Harden nang talunin ng San Antonio Spurs ang Houston Rockets, 128-114, sa NBA preseason games na ginanap sa AT&T Center sa Houston.

Nagsama ng puwersa sina LaMarcus Aldrige at Dejounte Murray para tuluyang gibain ang Rockets.

Mayroon kasing 22 points at anim na rebounds ang nagawa ni Aldrige habang mayroong 20 points, tatlong assists at apat na rebounds si Murray.

Mula sa unang quarter ay hawak ng Spurs ang kalamangan at hindi na hinayaan na makalamang pa ang Rockets

Naungusan din ng Spurs ang Rockets sa opensiba kung saan mayroong kabuuang 57 percent ang kabuuang ginawa nila kumpara sa 43 lamang na nagawa ng Rockets.

Bukod kay Harden ay nasayang din nang nagawang 14 points, apat na rebounds at apat na assists ni Russel Westbrook at 14 points ni Eric Gordon.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here