Clippers Paul George balik hardcourt na kontra Pelicans

0
215

Bilang sa kamay ang nalalabing araw bago tuluyang masilayan ng mga Los Angeles Clippers fan ang debut ng bago nilang all-star recruit na si Paul George.

Ayon sa isang report ay babalik na sa hardcourt ngayong Byernes (PH time) ang forward na si George kung saan kakaharapin nila ang New Orleans Pelicans.

Uma-average ito ng 28 points, 8.2 rebounds, 4.1 assists at 2.2 steals noong nakaraang season sa Oklahoma City Thunder kung kaya’t labis na inaantay ang pagdagdag niya sa Clippers upang maka-tandem si Kawhi Leonard.

Bago pa man makita ang chemistry ng dalawa ay kinatatakutan na agad sila sa liga dahil sa kanilang depensa, dagdag pa rito ang depensa ni Patrick Beverley.

Naudlot ang debut ni George ng 10 laro dahil sa pagrekober ng kanyang shoulder injuries kung saan inoperahan ito noong off-season.

Ang kombinasyon ng scoring at defense ng Clippers ang syang dahilan kung bakit isa sila sa paboritong magkampyeon sa NBA ngayong season. 

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here