Triple-double ni Lebron James pinataob ang Dallas sa overtime

0
144

Naghalimaw ang Los Angeles Lakers superstar Lebron James kontra sa Dallas Mavericks upang magapo ang 119-110 overtime na panalo.

Pumoste ng triple-double ang four-time MVP na nagtala ng 39 points, 12 rebounds at 16 assists katuwang nito ang kapwa all-star na si Antony Davis na may 31 puntos, walong rebounds, dalawang assists, dalawng steals at dalawang tapal.

Ang heroic naman ni Danny Green ang nagsalba sa Lakers sa fourth quarter matapos niyang ibaon ang three-pointer mula sa pasa ni James para dalhin ang laban sa overtime.

Mabagal ang naging simula ng Los Angeles dahilan para matambakan sila ng 15 puntos sa first half.

Nabuhay naman si James at Davis sa second half upang talunin triple-double ni Luka Doncic.

Halos pantayan ng last season Rookie of the Year na si Doncic ang ginawang performance ni James matapos magtala ng 31 puntos, 13 rebounds at 15 assists.

Naging tahimik naman sa end game ang partner nito na si Kristaps Porzingis na may 16 na puntos lamang at siyam na rebounds.

Labim-lima sa 16 na puntos sa overtime ng Lakers ay nagmula kay Davis at James.

Kasalukuyang may 4-1 (win-loss) na kartada ang Lakers samantalang 3-2 naman ang Dallas.

Muling lalaban sa road ang Lakers sa Lunes kontra sa San Antonio Spurs.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here