Sa darating na Nobyemre 7, muli natin matutunghayan ang bilis ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire Jr., laban kay Naoya Inoue na gaganapin sa Saitama Arena Japan.

Ayon sa isang interview, walang nag bago sa gameplan nitong si Donaire. Balak pa rin niyang ibalik ang kanyang signature left hand upang pabagsakin itong si Inoue.

Dahil sa pagkakapanalo ni Donaire laban kay Ryan Burnett via knockout sa World Boxing Super Series, nakapasok ito sa Bantamweight Finals at haharapin nito si Inoue na may 18 na panalo, 16 dito ay KO at walang talo.

Kilala ang dalwang boksingero sa kanilang kakayahan na maka-knockout at bilis ng kanilang mga suntok.

Sa kasalukuyan, Si Donaire ay may record na 40 na panalo, 26 dito ay knockout at 5 talo

Ang mag wawagi sa laban ay iuuwi ang Muhammad Ali Trophy at ang titulong WBSS Bantamweight Tournament Champion.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here