Kumpyansiya ang dating trainor ni Nonito Donaire Jr., na si Robert Garcia na malaki ang tyansa nitong manalo kontra sa unbeaten Japanese boxer na si Noaya Inoue sa darating na ika-pito ng Nobyembre para sa World Boxing Super Series (WBSS) Bantamweight Finals na gaganapin sa Saitama Super Arena sa Japan.

Bagama’t underdog sa parating na bakbakan ay naniniwala si Garcia na kayang pataubin ni Donaire ang kalaban lalo na kapag kumonekta ang left hook nito.

“I think Nonito always have the chance because of the left hook,” aniya sa isang eksklusibong panayam ni Ponciano Melo.

“Inoue is a great fighter with great power but he’s never been in there with Nonito Donaire. I don’t care what everybody else says, if Nonito catches him, Nonito’s gonna hurt him,” dagdag pa nito.

Naghiwalay ang landas ni Garcia at Donaire noong 2014 ngunit nananatili pa ring malapit at magkaibigan sa kasalukuyan.

May hawak na 40 panalo sa 26 knockouts at limang talo si Donaire samantalang 16 na KOs naman sa 18 panalo at laban si Inoue.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here