Thurman ayaw tigilan si Pacquiao sa pang-aasar

0
276

CALIFORNIA, USA — Patuloy pa rin ang pangta-trash talk ng Amerikanong boxer na si Keith Thurman Jr. kay Manny Pacquiao kulang-kulang tatlong linggo bago ang laban ng dalawa. 

Sa isang Instagram video kamakailan, inihayag ni Thurman ang planong pagpaparetiro kay Pacman matapos umano nito dispatsyahin ang Filipino bocing icon sa kanilang nalalapit na laban sa darating ng Hulyo 20, 2019 sa MGM Grand Las Vegas. 

Makailang ulit na rin ang panga-asar ng undefeated boxer kay Pacman, pero sa nasabing video na kinunan sa loob ng private jet patungo sa press con ng dalawa, ani Thurman ay “easy work” lang umano ang magiging laban niya sa eight-division world champion. 

Dagdag pa ng trenta anyos na boksingero, ay mas nakatuon pa siya kay Errol Spence at hindi masyado iniisip ang laban niya kontra Manny. 

Sa ilang reports naman na nakalap, ay nainis na si Pacquiao sa patuloy na mga maaanghang na salitang binibitawan ni Thurman, at nangakong patatahimikin ang mayabang na Amerikano. 

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here