Pacquiao at Morales, muling nagkita

0
280

CALIFORNIA, USA — Maalalang naging matindi ang bakbakan nina Manny Pacquiao at Erik Morales noong early 2000s. 

Silang dalawa lang naman ang bumuo sa isang trlogy na hinding-hindi malilumutan ng lahat mula 2005 hanggang 2006. Mula sa pagiging matinding magka-tunggali, ay parang close friends na ang dalawang boksingerong muntik nang magpalitang ng mukha sa loob ng ring.

Sa isang Twitter post, ibinhagi ni Pacman ang isang litrato kasama si Morales. 
Sa nasabing post, ipinahayag ni Pacquiao ang galak na makita muli ang dating kalaban. 

“Great to see my good friend Erik Morales,” ani Pacquio na may dagdag pang “#MoralesPacquiao4?” biro ng fighting Senator.
Sinabi rin ng eight-division world champion na mabangis na mandirigma si Morales sa loob ng ring.

Dumayo si Morales sa multi-million dollar na mansyon ng pambansang kamao sa Los Angeles para interbyuhin si Pacquiao ilang linggo ang nalalabi ito sumabak sa ring kontra Keith Thurman Jr.  sa Hulyo 20 sa MGM Grand Las Vegas. 

Matatandaang nanalo si Morales laban kay Pacquiao sa una nilang paghaharap, bago maiba ni Pacquiao ang ihip ng hangin patungo sa dalawang magkasunod na panalo kontra sa Mexican boxer.