Dating magkatunggaling Pacquiao, Marquez, muling nagkita

0
200

California, USA—Sa isang ‘di inaasahang pangyayari, muling nagharap ang dating magkatunggaling boksingero na sina Manny “Pacman” Pacquiao at Erik Morales ngunit hindi sa loob ng boxing ring kundi sa tahanan ng Pambansang Kamao sa Los Angeles.

Ito ay naganap nang dumalaw si Morales sa multi-million dollar na mansyon upang panayamin sa nalalapit na laban ni Pacman sa wala pang talong si Keith “One Time” Thurman sa Hulyo 20 sa MGM Grand Las Vegas.

“Great to see my good friend Erik Morales,” anya ng boksingerong senador na si Pacquiao sa kanyang Twitter post na humirit pa ng #MoralesPacquiao4 sa dulo.

Kitang-kita ang saya ng Pambansang Kamao sa pagbisita at pagdayo ng dating kalaban ngayon ay kaibigan sa kanyang tahanan.

Inilarawan pa ng batikang boksingero si Morales bilang isang mabangis na mandirigma sa loob ng ring.

Matatandaang natalo ni Marquez ang eight – division world champion na si Pacquiao sa kanilang unang laban.

Ngunit, pinatunayan ng 40 – taong gulang na boksingero na siya ang tunay na kampyon nang ipinanalo nito ang ikalawa at ikatlo nilang harapan sa ring kontra sa Mexican boxer.

Muli kayang maghaharap ang dalawa sa loob ng ring sa ikaapat na pagkakataon upang mapatunayan kung sino talaga ang magaling?