Anak ni Manny na si Jimuel future boxer din ba?

0
57

CALIFORNIA, USA — Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na malapit na sa finish line kumbaga ang karera ng ating pambansang kamao. 

Sa kabila ng ilang beses niyang pagpapatunay na kaya niya pa makipaglaban sa mataas na lebel ay alam natin na ilan nalang ang nalalabing laban na makikita natin ang nagiisang Manny Pacquiao sa loob ng ring. 

Ngunit paano kung sa susunod na mga taon, ay tuloy pa ring ang pangalang Pacquiao na mamutawi sa labi ng mga miron? Isang Pacquiao na magpapatuloy ng maalamat na boxing career ng kanyang ama?

Si Jimuel, panganay na anak ng eight-division world champion na nakikitaan ng potensyal sa larangang kilala ng buong mundo ang tatay niya. 

Katunayan, tatlong sunod na panalo na at wala pang talo ang fresh high school graduate na si Jimuel. 

Tatlong panalo at tatlong linggo bago ang nalalapit na laban ng amang si Manny kasalungat si Keith Thurman Jr. sa July 20, nagpakitang Gilas ang teenager sa loob ng ring. 

Kamakailan ay nakuha niya ang 3-0 amateur boxing record kontra Darel Marquez sa Muntinlupa. 
Ani Jimuel matapos ng laban ay hilig niya talaga ang pagboboksing at nagpursigi siya sa training bago ang laban. Kasama naman na nagchi-cheer sa nakababatang Pacquiao ang lolang si Mommy Dionisia. 

Kung si Daddy Manny naman ang tatanungin ay pilit niyang pinapaiwas hanggat maari ang mga anak sa boksing dahil sa hirap na kailangan pagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siya sa propesyon. 

Ngunit sabi naman ni Manny sa ilang mga interbyu ay hindi niya magawa paring tuluyang mapigilan ang anak na sumabak sa ring.
Dagdag ng fighting Senator, ang unico hijo niya ay talagang nasa puso ang boksing. 

Nagpapatunay ito na like father, like son. At nasa dugo ng mga Pacquiao ang isport na boksing. 
Malay natin, ang susunod na Manny Pacquiao ay Pacquiao rin pala. Napakagandang isipin

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here