‘Baka si Thurman pa ang ‘i-crucify’ ni Pacquiao’ – Team Pacquiao

0
55

https://www.bomboradyo.com/baka-si-thurman-ang-i-crucify-ni-pacquiao-team-pacquiao/

CALIFORNIA, USA – Habang nalalapit ang labanan ng dalawa, patuloy pa rin ang pang-aasar o trash talk ng American boxer na si Keith “One Time” Thurman kay Manny “Pacman” Pacquiao.

Sa panayam ng Bombo international news correspondent Ponciano “John” Melo kay Romeo “Jun” Faldas, isa sa mga bodyguard ng pambansang kamao, inamin nito na naasar ang ilang miyembro ng Team Pacquiao sa Instagram Live ni Thurman na patuloy ang pambabatikos sa fighting senator.

Isa na rito ang pang-aasar ng undefeated champion na malapit na raw ang pagreretiro ni Manny, 40, sakaling talunin niya ito sa kanilang nalalapit na bakbakan.

Bukod pa rito, inilarawan umano ni Thurman na ang kanyang magiging kalaban ay isang boksingerong senador na para sa kanya ay “easy work.”

Isa na rito ang pang-aasar ng undefeated champion na malapit na raw ang pagreretiro ni Manny, 40, sakaling talunin niya ito sa kanilang nalalapit na bakbakan.

Bukod pa rito, inilarawan umano ni Thurman na ang kanyang magiging kalaban ay isang boksingerong senador na para sa kanya ay “easy work.”

Hindi lamang dito nagtatapos ang pang-aasar ni Thurman dahil makailang ulit na rin itong nagpahayag ng pang-ta-trashtalk.

Sagot naman ni Faldas, baligtad ang prediksiyon ni Thurman dahil sya ang planong “i-crucify” ng Pinoy ring icon.

Humirit pa ang 30-anyos na boksingero, mas pinaghahandaan at mas inaabangan pa niya ang kanyang magiging sunod na laban kay Errol Spence kung matapos ang laban sa eight division world champion na si Pacquiao.

Matatandaang paulit-ulit na rinng nagkibit-balikat lamang si Pacman sa mga pasaring ngunit nitong huli ilang reports ang lumabas na naiinis na rin si Pacquiao sa mga maaanghang na salita ni Thurman.

Nangako raw ang dating boxer of the decade na patatahimikin nito ang maangas na si Thurman sa pamamagitan nang pagpatikim dito na unang talo sa kanyang career.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here