‘Pacquiao light workout muna para iwas ma-burn out’

0
168

Pansamantala munang nag-break si Senator Manny Pacquiao sa kanyang dibdibang training, 16 na araw bago ang big fight kontra sa American undefeated champion na si Keith Thurman.

Iniulat sa Bombo Radyo mula sa Los Angeles ni Mandirigma Angeles, sa pamamagitan ng international correspondent Ponciano “John” Melo, kahapon daw ay nag-day off muna ang fighting senator.


Pinagpahinga raw ito ng trainer dahil kondisyong kondisyon na sa kanilang magaganap na showdown ni Thurman sa Las Vegas.

Habang kanina rin ayon pa kay Angeles, nag-light workout na lamang sila at tinawag din niyang mild lamang ang jogging.

Iniiwasan kasi ng Team Pacquiao na ma-burn out o masobrahan sa training ang pambansang kamao.

Ipinagmalaki pa ni Angeles, na matagal na ring jogging partner, dumaan kasi sa mas matinding training camp ang Pinoy ring idol kumpara sa ensayo laban kay Adrien Broner na kadalasan ay relax lang.

Samantala, nitong araw ay nagpaabot din ng pagbati si Pacquiao sa Estados Unidos kasabay ng July 4th Independence Day anniversary

Sa kanyang social media account, sinabi ni Manny, mas matinding fireworks ang masasaksihan ng mundo sa July 21.

“Happy Birthday, America! Look more fireworks on July 20th. #PacThurman”

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here