Jinkee, pinasilip ang kanyang multi-mllion designer bag collection

0
465

Alam naman ng lahat na si Jinkee Pacquiao ay may malaking koleksyon ng mga luxury bags.
Sa isang panayam, ibinihagi ng asawa ng ating pambansang kamao Manny Pacquiao ang kanyang apat na pinaka-paboritong designer bags.
Sa lahat ng kanyang mga mamahaling bags, apat ang napupusuan ni Jinkee, isang klase na rito ang ang kaparehas ng designer bag na naisubasta sa world record price na umabot sa Php19 million.
Sa lahat ng kanyang mga bags, tatlong kilalang brands ang gumawa ng kanyang mga paborito, gaya ng Hermes (Himalayan Birkin, Birkin in gray snakeskin), isang two-tone na bag mula sa Kelly Ghillies, at isang yellow minaudiere mula naman sa Goyard na kilalang French brand ng luxury bags.
Aminado naman din si Jinkee na kung minsan, nagugulat nalang ang kanyang mister sa presyo ng kanyang mga nabibiling bags.
At kung minsan, hindi na rin niya naipapaalam ang presyo nito nang tuluyan.
“Minsan hindi niya alam ‘yung mga price ng mga bag ko. Minsan nalalaman na lang niya sa iba,” ani Jinkee.
“Sasabihin niya ‘Ay mahal pala ‘yan! Kapag nalaman niya na sa ibang tao,” dagdag nito

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here