Sikreto Ni Pacquiao binulgar ng tiyahin

0
408

Los Angeles – Ibinulgar ng Tiya ni Manny Pacquiao ang lihim nito kung bakit ito nananalo sa mga laban sa exclusive interview ng Bombo Radyo sa mansion mismo ni Pacman sa 526 N Plymouth Blvd Los Angeles California.
Inamin ni Lilia Pretty Lao sa panayam ni Bombo Radyo US Correspondent Ponciano Melo na kakaibang Manny Pacquiao umano ang pambansang kamao lalo na sa training at sa bahay.
Ibinunyag nito ang mga araw-araw na ginagawa ni Pacman gaya ng mga pagkaing hindi dapat kainin at mga bagay na hindi dapat gawin.
Ayon kay Lilia Lao, alas singko pa lang umano ng madaling araw ay gising na ang pinoy champ para mag jogging at pagkatapos ay sa gym.
Pag-uwi naman sa mansion kakain lamang ito ng mga pagkaing walang baboy. Filipino foods umano ang hilig ni Pacman na kainin.
“Healthy living ang sikreto ng pamangkin ko hindi siya kumakain ng baboy.”
Pag umuuwi umano ang pambansang kamao nagbabasa ito ng bible at nag sshare ng bible verses at quotes.
Idinagdag ng tiyahin ni Pacman na bukod sa disiplina ay malaking bagay ang sama-samang suporta at pagmamahalan ng kanyang pamilya sa bawat laban nito.
Sa katunayan uuwi ang pamilya ng pinoy boxing icon sa July 5 para makasama sa laban sa July 20 na gaganapin sa Las Vegas Nevada.