Pacman pinuri ang laban kay Thurman

0
362

Los Angeles – “Maganda ang laban na ito dahil masusubok ang ating galing at lakas,” ito ang pagtatapat ni Senator Manny Pacquiao sa exclusive interview sa kanyang bahay sa 526 N Plymouth Blvd Los ANgeles California ng Bombo Radyo Correspondent Precilyn Sylvestre Melo.
Ayon pa kay Pacman, pareho umano silang champion ni Thurman at kapwa may mga knockout kaya siguradong maganda ang kalalabasan ng laban.
Ayaw naman patulan ng pambansang kamao ang mga pagmamaliit ng Amerikanong si Keith Thurman sa kanya at sa halip ay ibninubuhos na lamang umano nito ang atensyon sa ensayo.
Isang welterwieght world champion si Thurman noong 2018 samantalang pound for pound king naman si Pacman.
“Maganda naman ang ating training.” ani ni Pacman na kitang kita ang pagka sabik sa laban.
Samantala, lubos na nagpapasalamat ang pambansang kamao sa mga Pilipino na sumusuporta sa kanyang laban at maging sa kanyang mga ginagawa sa senado.
Nang tanungin ito kung balak nitong maging presidente sinabi ni Pacman na malayo pa umano ito at gagampanan na lamng niya ang kanyang mga tungkulin para sa bayan.
Matatandaang napagkamalan itong presidente ng Pilipinas ng ilang NBA superstar noong nakaraang NBA playoffs.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here