Freddie Roach Ibinalik ang Chest Protector matapos umihi ng dugo

0
304

Los Angeles – Tuloy – tuloy pa rin ang ensayo ni Many Pacquioa sa Hills of Griffith Observatory training camp sa pangunguna ni Freddie Roach.
Kakaibang training umano ang ginagawa ng pambansang kamao. Anim na linggo na lamang ang training ni Pacman sa halip na walong linggo.
Sa kabilang banda, ibinalik ni Roach ang pagsusuot ng chest protector matapos ang ilang taong pag aalis nito dahil sa pag-ihi ng dugo.
Matatandaang umihi umano si Roach ng dugo noon pagkatapos ng mga ensayo. Ayon kay Roach sobrang lakas umano ng mga suntok ni Pacman ngayon.
“I gave it up for a couple of years because I was tired of peeing blood when I got hit. But I’m going to wear it again. I can bring out a better Manny Pacquiao.” ani ni Roach.
Delikado umano si Keith Thurman dahil ayon kay Roach pinanood nila ang mga huling laban nito at napansin nila na masyado itong bumagal. Taliwas umano kay Pacman na hindi naapektuhan ng edad ang lakas nito.
“I want to do my job the best I can. I think Manny really missed the body protector. He hit me in the stomach before, and he wasn’t hitting me as hard. He missed it. And it carries over to the fight. He wasn’t hitting his opponents as hard. That’s why I’m going to sacrifice my body.” pagtatapat ni Roach.
(61-7-2, 39 KOs) ang naitala ni Pacman sa kanyang mga laban samantalang 29-0, 22 KOs naman si Thurman na wala pang talo.
Nakatakda silang magharap sa July 30 sa Nevada MGM Grand Las Vegas at inaasahang kakaibang Pacquiao ang makikita at dapat umanong mag alala ni Thurman dahil dito.