JOHN MELO, BALIK PINAS NA!

0
363

Ang pagbabalik-Pinas ni John Melo ay nalalapit na!

John Melo
John Melo

 

Sa mga Facebook posts at videos na inilabas ng “Malapit Na Ang Pasko” singer, aniya malapit na malapit na niyang makapiling ang kanyang mga fans dito sa bansa sa kanyang pagbabalik sa linggong ito.

Parte pa rin ito ng selebrasyon ng kanyang 25th year anniversary sa industriya ng musika at mula na rin noong mapanalunan niya ang 1993 Awit Awards Best New Performance by Male Artist.

Kasabay din nito ang napipintong pagbisita ng OFW Balladeer sa ibat-ibang parte ng bansa para makasama ang kanyang mga loyal fans.

Bukod pa, abangan din ang mangaawit sa mga paboritong TV programs at mga radio stations sa Metro Manila.

Ang kanta niyang “Malapit Na Ang Pasko” ay mapapakinggan sa mga nangungunang himpilan ng radio sa Metro Manila at patuloy na namamayagpag sa Visayas at Mindanao.

Leave A Reply

Please enter your comment!
Please enter your name here